Monday, August 17, 2026

MUSEO DE BINALONAN, PINASINAYAAN BILANG TAHANAN NG KASAYSAYAN

Pormal nang pinasinayaan ang Museo de Binalonan sa Pangasinan bilang tahanan ng mga kuwento, alaala at kasaysayang humubog sa pagkakakilanlan ng bayan.

‎Ayon kay Reverend Dr. Eugene Nero, ang museo ay hindi lamang imbakan ng mga lumang bagay kundi isang “hindi libingan ng nakaraan.” Aniya, nagsisilbi itong tahanan ng mga kuwento at compass na gumagabay sa komunidad tungo sa hinaharap.

‎Binigyang-diin din ni Nero ang kahalagahan ng pagpapanatili hindi lamang ng mga bagay mula sa nakaraan kundi maging ng kahulugan at mga kuwentong nakapaloob sa mga ito.

‎Samantala, sinabi ni Project Curator Marlon P. Reyes na nahahati sa dalawang pangunahing seksyon ang museo—ang Heritage Section at Contemporary Section.


‎Higit sa simpleng preservation ng mga bagay, binibigyang-diin ng museo ang “preserving meaning,” o pagpapanatili ng kaalaman, kuwento, alaala at pagpapahalaga sa kasaysayan ng Binalonan.


‎Sa pamamagitan ng mga inayos na eksibit, maaaring matuklasan ng mga Binalonian at mga bisita ang kasaysayan ng bayan, mga kilalang personalidad, mga bayani at mahahalagang pangyayaring humubog sa pagkakakilanlan ng komunidad.

‎Ang Museo de Binalonan ay isa sa mga lugar sa Pangasinan na maaaring bisitahin ng mga nais higit na makilala at maunawaan ang kultura, kasaysayan at pamana ng bayan.


‎Samantala, hindi pa ganap na natatapos ang buong museo. Ayon kay Ramon V. Guico III, inaasahang matatapos ang natitirang bahagi ng proyekto sa loob ng taong ito.

‎Sa bawat bagay na nakadispley at kuwentong isinasalaysay sa museo, patuloy na nabubuhay ang nakaraan bilang gabay, aral at inspirasyon para sa kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments