PNP ENTRANCE AT PROMOTIONAL EXAMS SA REHIYON UNO, ITINAKDA SA OKTUBRE 18; PROCESSING VENUES, INANUNSYO

Itinakda na sa Oktubre 18 ang PNP Entrance at Promotional Examinations, habang inanunsyo na rin ang mga lugar at iskedyul para sa processing ng mga kukuha ng pagsusulit.

Para sa mga aplikante sa Pangasinan, isasagawa ang processing sa Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen mula Setyembre 12 hanggang 17, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Samantala, ang processing para sa La Union ay gaganapin sa Robinsons La Union, Third Floor, City of San Fernando, mula Agosto 18 hanggang 28, 2026, alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Sa La Union examination center, doon din ibibigay ang mga certificate sa mga matagumpay na examinee. Hindi lamang ito isasagawa tuwing weekends at holidays.

Pinapayuhan ang mga kukuha ng PNP entrance at promotional exams na tandaan ang kanilang processing schedule at pumunta sa itinakdang venue sa loob ng mga petsang nakalaan para sa kanilang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments