Monday, November 2, 2026

BULACAN PROVINCIAL TOP 3 MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA BACNOTAN, LA UNION SA KASONG MURDER

Arestado ng mga pulis ang Top 3 Most Wanted Person sa provincial level ng Bulacan sa isinagawang operasyon sa Barangay Cabarsican, Bacnotan, La Union noong Nobyembre 1, 2026.

Kinilala ang suspek na isang 46 anyos na residente ng San Jose del Monte City, Bulacan, at naaresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong murder na walang inirekomendang piyansa.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Bacnotan Municipal Police Station, katuwang ang La Union Police Intelligence Unit o LUPIU, Regional Intelligence Division ng Police Regional Office 1 at La Union Police Intelligence and Detective Management Unit o LUPIDMU.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Bacnotan Police ang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang legal na proseso.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng pulisya ng mga operasyon laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kaso at nakabinbing warrant of arrest, kasabay ng pinaigting na seguridad sa Undas 2026. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments