Dala ang mga halloween treats, nagbigay saya ang team 104.7 iFM para sa mga Dagupeñong dumalaw sa sementeryo nitong Undas.
Naghandog ng mga regalong treats ang ating mga idol DJs at Reporters kasama ang buong iFM team sa Roman Catholic Cemetery dito sa Dagupan City kahapon, November 1.
Batid natin na ang karamihan ay maagang pumupunta sa sementeryo tuwing undas upang bisitahin at mag-alay ng kandila sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay kaya naman maaga pa lang ay may dala nang almusal at meryenda ang ating team.
Kasama ang Ma. Corrina Canoy Feeding Program, namigay tayo ng mainit na Lilot Balatong, malagkit na biko, tinapay, bicuits, at candies. Namahagi rin tayo ng mga kandila na ginamit ng ating mga idol upang itirik sa mga puntod.
Bukod dito ay may mga maswerte ring nakatanggap ng cash prize para sa raffle at namahagi rin tayo ng iFM stickers na may swerteng dala para sa mga idols na maaaring mabunot para manalo ng cash o bigas.
Sa araw ng pag-alala sa mga mahal na yumao, higit sa mga alay na kandila, pagkain, ay ang panalangin na patuloy na mabuhay ang kanilang mga alaala na iniwan sa mundo.
Sa pag-alalang ito, patuloy na makakasama ninyo ang 104.7 iFM sa masaya at ligtas na pagggunita ng undas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








