Sa San Carlos City, nagsagawa ang City Police Station ng pagtirik ng mga kandila at pag-aalay ng mga bulaklak sa himlayan ng mga dating kasamahan noong Oktubre 31.
Samantala, bumisita rin ang mga tauhan ng Mangatarem Police Station sa St. Raymund Memorial Garden sa Barangay Bueno, Mangatarem, kung saan nag-alay sila ng kandila at nagsagawa ng taimtim na pananalangin.
Sa Dagupan City naman, nagsagawa ang mga tauhan ng Station 1 ng Dagupan City Police Office, ng pagbisita sa mga yumaong kasamahan sa Roman Catholic Cemetery sa Barangay Poblacion Oeste noong Nobyembre 1.
Layon ng mga gawaing ito na bigyang-pugay ang katapangan, sakripisyo at dedikasyon ng mga pulis na naglingkod para sa kapayapaan at kaligtasan ng publiko.
Bagama’t wala na sa kanilang piling ang mga yumaong kasamahan, nananatiling buhay ang kanilang mga alaala at pamana ng serbisyo na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga pulis na naglilingkod sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







