Sunday, November 8, 2026

Border security gamit ang makabagong teknolohiya, pinalalakas ng pamahalaan

Pinalalakas ng Bureau of Immigration (BI) ang seguridad sa mga border ng bansa gamit ang makabagong teknolohiya para mas mabilis at mas maayos ang proseso sa mga paliparan.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kabilang sa ginagamit ng BI ang Advanced Passenger Information System o APIS, electronic gates, automated passenger screening at airline data connectivity.

Sa ilalim ng APIS, naipapadala na ng mga airline sa Immigration ang impormasyon ng mga pasahero bago pa dumating ang kanilang flight.

Dahil dito, mas maaga nang nasusuri ng mga awtoridad ang mga biyahero at natutukoy ang posibleng banta sa border security.

Kinilala naman ng International Border Management and Technologies Association ang pagpapatupad ng Pilipinas ng APIS.

Ibinahagi rin ng bansa ang karanasan nito sa pagpapalawak ng airline connectivity sa international meeting sa Moldova noong September 23 at 24.

Facebook Comments