Living arrangments ng pamilya Marcos sa Malacañang, hindi pa kumpirmado

146

Wala pang living arrangements ang kumpirmado para sa pamilya ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Ito ang sinabi ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles kasunod ng sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez sa isang panayaman na maninirahan ang pamilya Marcos sa Bahay Pangarap na matatagpuan sa loob ng Malacañang Park.

Nauna nang tumanggi kamakailan ang kampo ni Pangulong Marcos kung saan mamamalagi ang punong ehekutibo bunsod ng security concerns.


Mababatid na nanirahan ang mga nagdaang presidente tulad nina Rodrigo Duterte at Benigno Aquino III sa Bahay Pangarap sa kasagsagan ng kanilang panunungkulan.

Facebook Comments