Business Permit Renewal sa Pasig City, pinalawig pa

12

Muling pinalawig ng Pasig City Government hanggang June 30, 2021 ang deadline para sa assessment at pagbabayad ng 2021 Business Permit Renewal.

Alinsunod sa Pasig City Resolution No. 10, series of 2021, ay hindi mapapatawan ng penalty o surcharges ang mga mag-aasikaso pa ng business permit renewal hanggang sa katapusan ng Hunyo.


Layunin nito na mabigyan pa ng mas mahabang panahon ang mga hindi pa nakakapag-ayos ng renewal dala ng pandemya.

Konsiderasyon ito para sa mga Pasigueño na naapektuhan ng pandemya ang mga negosyo noong nakaraang taon.

Facebook Comments