Tuesday, July 14, 2026

Magiging pamumuno ni Pujalte sa DOH, inaasaang magpapahusay sa serbisyong pangkalusugan sa mamamayan

COURTESY: Department of Health

Sang-ayon si House Deputy Speaker at Iloilo Representative Janette Garin sa pagtalaga kay bagong Health Secretary Dr. Jose Brittanio Pujalte Jr.

Sabi ni Garin na dating ring naging health secretary, nakasama na niyang magtrabaho sa Pujalte at nakita niya ang taglay nitong professionalism, galing at totoong pagsi-serbisyo sa publiko.

Tiwala si Garin na ang magiging pamumuno ni Pujalte sa Department of Health (DOH) ay magpapahusay sa serbisyong pangkalusugan sa publiko.

Inaasahan ni Garin na sa gitna ng maraming hamong kinakaharap ng DOH ay matitiyak ni Pujalte na makikinabang ang bawat Pilipino sa mga programang pangkalusugan ng gobyerno.

Sinigurado rin ni Garin ang kaniyang suporta sa bagong health secretary sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga reporma na makakapag-husay sa healthcare system ng ating bansa.

Facebook Comments