LMas maraming batang nasa Day Care Center sa Binmaley ang magkakaroon ng sariling babasahin matapos makatanggap ng mga libreng aklat sa isinagawang book distribution noong kamakailan sa Binmaley Evacuation Center.
Layunin ng programa na suportahan ang maagang pagkatuto ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kagamitang makatutulong sa paglinang ng kanilang kasanayan sa pagbasa at iba pang batayang kaalaman sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program.
Ang mga aklat ay ipinamahagi sa mga batang mula sa iba’t ibang Day Care Center sa bayan bilang bahagi ng programang naglalayong palawakin ang akses ng mga bata sa mga materyales na pang-edukasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











