Wednesday, October 7, 2026

Ipinapakitang simpleng buhay ng pamilya Duterte, malinaw ngayon na gimmick lang

Malinaw ngayon para sa House prosecution panel na gimmick lamang ang imahe na simpleng buhay ng pamilya Duterte na ilang taon na nilang ipinapakita sa publiko.

Ayon kay House Prosecution Adviser and Spokesman Ace Barbers, lumabas na gimmick lang ang kanilang pagtulog sa kulambo, pagkain sa karinderya, at pamumuhay katulad ng pangkaraniwang Pilipino.

Diin ni Barbers, patunay nito ang bilyones na halaga ng financial records na lumabas sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte batay sa mga dokumento at testimonya ng opisyal ng Anti Money Laundering Council (AMLC) at mga kinatawan ng iba’t ibang bangko.

Paliwanag ni Barbers, ang pagiging public official ay may kasamang mas mataas na pamantayan ng transparency kaya hindi pwedeng basta lang sabihin na simple ang kanilang buhay.

Giit ni Barbers, hindi dapat takasan at obligasyon na sagutin ang mga dokumentong nagtataas ng seryosong tanong tungkol sa multi-milyong pisong halaga ng mga pinansiyal na transaksyon na kinakasangkutan ng mga kompanya at bank accounts na konektado o nakapangalan mismo kina VP Sara at mister na si Atty. Manases Carpio.

Facebook Comments