Camiguin, nanguna sa mga lugar na binibisita ng mga turista sa region 10

Camiguin – Nanguna umano ang lalawigan ng Camiguin sa lugar sa Region 10 na pinupuntahan ng mga turista.

Sumunod naman dito ang Iligan, Misamis Oriental at Cagayan de Oro City.

Base sa report ng Department of Tourism-10, kadalasan sa mga turistang bumibisita sa rehiyon ay nagmula sa US, China at Korea.


Hindi umano gaanong naapektuhan ang sektor ng turismo sa rehiyon kahit na nasa ilalim pa ng Martial Law ang Mindanao.

Nanawagan naman ang Department of Tourism na gamitin ang hashtag Martial Love upang ipaalam sa iba na ligtas ang bumisita sa rehiyon.

Facebook Comments