CAMPING SITE SA BAYAN NG NATIVIDAD, AGAW-PANSIN SA MGA PANGASINENSE

Gusto mo bang maranasan ang kapayapaan, katahimikan at kalidad ng oras kasama ang iyong mga mahal sa buhay? Tara na sa dinarayong Jolly Farm Camp sa Bayan ng Natividad.
Ang nasabing camping site ay may magandang tanawin upang makalanghap ng sariwang hangin at maaari kang magsaya sa nakaka preskong tubig ng Maramum Falls.
Samantala, upang mas maramdaman ang camping, pwede mo ring ma experience manguha ng crabs o Kappi tuwing gabi habang nag cacamp fire.

Sa halagang 150 pesos ay maaari ka ng pumasok sa camp site, samantalang 150 naman sa cottage na pwede magamit hanggang 6 PM, additional fees na 50 sa sobrang oras, at kung overnight naman ay hanap mo ay nagkakahalaga ng 1200 sa kubo, 150 naman sa tent pitching at tent rental.
Halika na at yayain ang iyong love ones sa iyong bucket list na camping experience! |ifmnews
Facebook Comments