PRESYO NG LPG SA BAYAMBANG, TINIYAK NA MAKATWIRAN

Patuloy na binabantayan ang umiiral na presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa iba’t ibang outlet sa Bayambang upang maprotektahan ang mga konsyumer at mapigilan ang posibleng pananamantala.

Layunin ng inspeksyon na matiyak na nananatiling makatwiran at sumusunod sa umiiral na batas ang presyo ng LPG, lalo na sa gitna ng krisis.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang aktibidad ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang kaayusan sa merkado at maprotektahan ang kapakanan ng mamimili sa gitna ng pabago-bagong kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya.

Facebook Comments