Dismayado ang mga mangingisda dito sa dagupan City, dala na rin ng kakaunti ang huli dulot ng pangamba sa kanilang pag laot.
Ayon kay Francisco, isang mangingisda, matumal ang kanilang huli at benta lalo na kapag hindi umuulan. Aniya, nagiging malinaw ang tubig-dagat kaya’t mas kaunti ang nahuhuling isda.
Samantala, ibinahagi naman ni Gerry, isa ring mangingisda, na madalas ay wala siyang magamit na bangka.
Dahil dito, mano-mano na lamang siyang nangingisda sa pamamagitan ng pagtatapon ng lambat sa mabababaw na bahagi ng dagat.
Dagdag pa ng dalawang mangingisda, malaking banta rin sa kanilang kabuhayan ang tag-ulan dahil sa panganib na dulot nito sa paglalayag. Dahil dito, hindi na sila nakalalayo sa mas malalim na bahagi ng dagat upang mangisda.
Dahil sa kanilang kasalukuyang nararanasan, panawagan nila na mabigyan ng kaukulang ayuda at suporta upang maibsan ang epekto ng matamlay na huli at patuloy na pagsubok sa kanilang kabuhayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







