Cardinal Tagle, sinibak ni Pope Francis bilang pangulo ng Caritas

265

Sinibak ni Pope Francis ang ilang opisyal kabilang na si Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang pangulo ng Caritas Internationalis (CI), ang ahensya ng Vatican na namamahala sa charity at disaster relief operation na binubuo ng mahigit 100 organisasyon sa buong mundo.

Ang buong liderato ng CI ang sinibak sa pwesto matapos ang isinagawang pag-aaral sa operasyon ng nasabing ahensya na naiulat na merong mga “deficiencies in management and procedures.”

Pansamantalang pangangasiwaan ang CI ng “temporary administrator” bago maghalal ng mga bagong pinuno nito sa susunod na taon.


Papalitan ni Pier Francesco Pinelli si Tagle, batay sa decree na inilabas ng Vatican.

Si Pinelli ay isang Italian management consultant.

Samantala, nilinaw naman na wala umanong kinalaman ang pagsibak sa mga namumuno ng Caritas Internationalis sa korapsyon o sexual scandal.



Facebook Comments