PBBM, nagtalaga ng acting president ng PhilHealth

83

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Emmanuel Rufino Ledesma Jr., bilang acting President at Chief Executive Officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Si Ledesma ay nanumpa ngayong araw, November 24 kay Pangulong Marcos Jr., sa Malakanyang.

Siya ay miyembro ng expert panel at board of directors ng PhilHealth.


Siya ay dating nagsilbing presidente at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.

Facebook Comments