Caretaker, Timbog sa Panggagahasa sa noo’y Grade 6 Student

22
Cauayan City, Isabela- Arestado ang Top 6 Wanted Person sa Region 2 na kabilang sa listahan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) matapos ang mahigit apat na taong pagtatago sa batas dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad sa Barangay Minuli, Carranglan, Nueva Ecija.

Sa report ng Police Regional Office 2, kinilala ang akusado na si Florencio Soriano, 41-anyos at residente ng Purok Saranay, Darapidap, Aritao, Nueva Vizcaya.

Natimbog si Soriano sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong ‘statutory rape’ in relation to Republic Act 8353 o “Anti Rape Law of 1997” na inilabas noong April 25,2022.

Taong 2018 nang maganap ang apat na beses na panghahalay sa biktimang itinago sa pangalang ‘Mina’ na noo’y Grade 6 student pa lang.

Nabatid na ang suspek ay ang mismong “caretaker” sa bahay ng lola ng biktima kung saan naganap ang paulit-ulit na pangmomolestya.

Si Soriano ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Aritao Police Station.

Facebook Comments