Saturday, August 29, 2026

Lalaki, arestado kasunod umano’y “paihi” ng produktong petrolyo sa Oriental Mindoro

Nahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ikinasang operasyon ang isang lalaki sa Brgy. Maluanluan, Pola, Oriental Mindoro.

Ayon sa ulat ng pulisya ang nasabing suspek ay nahuling nag-ta-transport at nag-de-deliver ng produktong petrolyo na “paihi” o yung ilegal na sinasalin mula sa fuel tanker truck patungo sa fuel vending machines nang walang kaukulang lisensya o awtoridad mula sa Department of Energy o DOE.

Narekober sa nasabing operasyon ang isang fuel tanker truck na naglalaman ng unleaded gasoline na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱500,000.

Kaugnay nito, nahaharap sa kaukulang kaso ang nasabing naarestong indibidwal.

Facebook Comments