
Inamin si Senator Robinhood Padilla na nitong mga nakaraan ay hindi na siya madalas dumadalo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Paliwanag ni Padilla, ito ay dahil hinihintay niya ang desisyon ng Supreme Court sa petisyong inihain nila ni Senator Bong Go sa Korte Suprema na ipinapadeklarang walang bisa ang pagbabago ng voting threshold.
Sinabi ng senador na hindi na siya dumadalo ng paglilitis kung hindi naman niya kailangang magsalita bukod pa sa katwiran niya na napakaraming trabaho ng isang senador.
Dagdag ni Padilla, maraming kagulat-gulat ang nangyayari at silang mga naniniwala sa saligang batas ay ayaw mabaluktot ang Konstitusyon dahil kapag nangyari ito ay darating talaga sa puntong hindi na sila dadalo ng impeachment trial.
Nilinaw naman ng mambabatas na wala pa namang usapan sa minorya na hindi dadalo ng paglilitis pero malapit na aniya itong matalakay ng kanilang grupo.










