Ayon kay Barangay Captain Julie F. Perez, patuloy ang koordinasyon ng kanilang barangay sa lokal na kapulisan upang matiyak ang seguridad ng mga residente.
Kasabay nito, nakikipagtulungan din ang barangay sa Public Order and Safety Office o POSO Dagupan sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko sa kanilang mga kalsada.
Samantala, tiniyak ni Perez na nagsagawa na sila ng nararapat na hakbang kaugnay ng nag-viral na video ng pananakit umano sa isang estudyante na nanlilimos sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa opisyal, nakipag-ugnayan ang barangay sa kapulisan upang maaksiyunan ang nasabing insidente.
Patuloy naman ang pagroronda ng mga kawani ng barangay sa buong Pantal bilang bahagi ng kanilang peace and order efforts.
Lalo itong paiigtingin sa mga susunod na araw bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga tao sa Undas, gayundin sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








