
Nanawagan si Senator Loren Legarda na hindi lang dapat maging pansamantala ang ceasefire sa Gaza sa pagitan ng Israel forces at ng Palestinian group na Hamas.
Ayon kay Legarda, maging daan aniya ito sa humanitarian aid at makatulong para sa muling pagbangon ng mga komunidad na sinira ng gyera.
Aniya pa, maging pagkakataon ito para sa ganap na pagbangon ng Gaza kung saan tinitiyak ang ligtas na pagbabalik ng milyon-milyong residenteng nawalan ng tirahan gayundin ang pagtatayo ng mga essential infrastructure tulad ng edukasyon, healthcare, livelihood at food security.
Sinabi pa Legarda na hindi lang dapat matigil sa ceasefire ang kasunduan kundi dapat masolusyunan din ang iba pang malalalim na isyu ng kahirapan, marginalization at hindi pagkakapantay-pantay.
Umaasa rin ang senadora na itataguyod ng mga sangkot sa gyera ang kasunduan na tigil-putukan at ang planong pagpapakawala ng mga hostages.