Hinatak ng Opisyal ng barangay ang mga sasakyan naka illegal parking sa brgy. Pantal Dagupan City.
Ito ay alinsunod sa inaprubahang ordinansa ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan sa paglulunsad ng designated pay parking zone sa lahat ng motorista upang masolusyonan ang problemang illegal parking sa lugar.
Nakasaad sa Ordinance No. 005 Series of 2024 ang layunin na mapanatili ang kaayusan sa mga illegal street parking na matagal nang nagpapasikip sa kakalsadahan ng brgy. Pantal.
Matatagpuan sa tapat ng Barangay Hall ang itinalagang pay parking zone upang malapit sa commercial center ng barangay. Nagkakahalaga ng P10 ang first hour rate ng mga light vehicles habang P20 naman para sa mga heavy vehicles.
Kaugnay nito,hinihikayat ng barangay council ang publiko na makiisa sa ipinatutupad na ordinansa bilang pagsasaayos ng mga pangunahing kakalsadahan sa barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨