Lalo pang pinagtibay ng Department of Agriculture – Agricultural Training Institute Regional Training Center 1 (DA-ATI RTC 1) ang mga kagamitan, pasilidad, programa, at inobasyon upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga nasa sektor ng agrikultura, kabilang ang mga magsasaka at mangingisda.
Kabilang sa mga inilunsad na pasilidad at programa ang Knowledge Resource Center, Agri-Innovation Hub, rehabilitasyon ng training hall upang maging Agri-Fisheries Extension Hall, Ating Gulayan sa Ilocos Region, Tamang Abono, Ani’y Sigurado, at Agri-Extension on Wheels.
Ayon kay Dr. Jayvee Bryan Carillo, Center Director ng ATI-RTC 1, layunin ng mga ito na makapagbigay ng sapat na kaalaman at tamang kagamitan sa mga benepisyaryo upang mapataas ang kanilang produksyon at matulungan silang makaagapay sa mga hamon tulad ng krisis sa ekonomiya.
Bukod dito, nagsagawa rin ng aktibidad kasama ang mga magsasaka kung saan tinalakay ang mga bagong programa at pasilidad, gayundin ang mga estratehiya sa pagtitipid sa abono sa gitna ng krisis sa langis at matinding init ng panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








