Celeste Cortesi, itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2022

Itinanghal bilang Miss Universe Philippines 2022 si Celeste Cortesi na pambato ng Pasay City sa katatapos lamang na Grand Coronation Night sa SM Mall of Asia Arena kagabi.

Mismong si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez ang nagbigay sa kanya ng corona na hango sa national gem ng bansa na golden South Sea pearl.

Itinanghal naman bilang Miss Universe Philippines Tourism si Miss Makati Michelle Dee habang inuwi naman ni Miss Bohol Pauline Amelinckx ang Miss Universe Philippines Charity.


Itinanghal naming 1st runner-up si Miss Misamis Oriental Annabelle McDonell at 2nd runner-up naman si Miss Taguig Katrina Llegado.

Sa Question and Answer portion ay tinanong si Celeste kung kaya mong itigil ang oras sa loob ng isang araw, paano mo ito gagamitin?

Sagot naman nito ay gagamitin niya ito upang makasama ang kaniyang pamilya lalo na ang kanyang ina dahil dalawang taon na itong nawalay sa kaniyang pamilya na nakatira ngayon sa Italy.

Kaya say ng kandidata ay kung pagbibigyan siyang magamit ang isang araw ay tiyak na ito ay kasama ang kaniyang ina at sasabihin nito kung gaano niya ito kamahal at ka-miss.

Nakuha rin ni Celeste ang Best in Swimsuit at Miss Photogenic.

Facebook Comments