Child Development Teachers, binigyan ng parangal sa Las Pinas City

31

Umani ng mga parangal ang mga tinatawag na Child Development Teachers na nagserbisyo ng mahigit 20 taon sa isinagawang Social Welfare Development Office Day Care Workers Week Celebration 2022 ngayon taon sa lungsod.

Nagsagawa ng Day Care Workers Week ang City Social Welfare and Development Office na may Temang “Child Development Worker Ako, Katuwang ng mga Batang Pag-asa ng Bayan, may Pandemya man o wala” pinarangalan ang mga Child Development Teachers dahil sa kanilang hindi matatawarang serbisyo at kontribusyon sa mga mag-aaral.

Ang nasabing taunang aktibidad ay dinaluhan mismo ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar kung saan siya ang naging panauhing pandangal na nagbigay ng pagkilala sa mga manggagawa at guro na naglilingkod sa LGU ng mahigit dalawampung taon.


Tiniyak naman ng alkalde na ipagpatuloy nila ang pagbibigay nila ng malasakit upang maihatid ng maayos ang tamang edukasyon sa kanilang mga mag-aaral.

Facebook Comments