
Arestado ng mga operatiba ng Cyber Response Unit ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang isang 33-anyos na Chinese national na kinilalang si alias “Xiao” dahil sa pagbebenta ng mga iligal na armas online.
Base sa inisyal na impormasyon, nahuli si Xiao matapos mag-post sa isang Facebook group kung saan kanyang ibinebenta ang isang 9mm baril sa halagang P40,000.
Agad nakipagtransaksyon sa kanya ang pulis na nagkunwaring buyer na nauwi sa pagkakadakip dito sa San Agustin, Makati City.
Nakumpiska mula kay Xiao ang isang 9mm pistol at dalawang magazine na may lamang 21 bala.
Kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 881 at RA No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang dayuhang suspek.
Facebook Comments