Friday, September 18, 2026

Bagong timeline ng North-South Commuter Railway, aprubado na

Bagong timeline ng North-South Commuter Railway, aprubado na

Inaprubahan ng Economic and Development Council (EDC) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong timeline ng North-South Commuter Railway o NSCR project.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro, target ang unang partial operation ng tren sa Disyembre 2027.

In-adjust ang timeline dahil sa pag-iingat sa pondo ng bayan, problema sa procurement, at mga usapin sa right-of-way.

Target namang magsimula ang Malolos-Clark partial operation sa fourth quarter ng 2028.

Sa fourth quarter ng 2031, target ang partial operation ng Clark-Solis at Alabang-Calamba.

Samantala, inaasahang magiging fully operational ang Clark-Calamba segment sa third quarter ng 2033.

Kasama aniya sa mga pagbabago ang timeline at ilang adjustment sa budget ng proyekto.

Tinalakay rin ng EDC ang iba pang malalaking proyekto ng pamahalaan, kabilang ang Mactan-Cebu International Airport PPP at mga proyekto para sa edukasyon at road development sa Mindanao

Facebook Comments