CHR, sinimulan na ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang detainee sa isang police station sa Maguindanao

85

Sinimulan na ng Commission on Human Rights (CHR) ang imbestigasyon sa pagkamatay ng isang detainee habang nasa kustodiya ng Barira Municipal Police Station sa Maguindanao.

Katuwang dito ng CHR ang Bangsamoro Human Rights Commission.

Nauna rito, kusang sumuko ang 25-anyos na si Johairie Maongco Dagalangit matapos masangkot sa isang motorcycle incident.


Pero, nasawi si Dagalangit habang naka-detine.

Ayon sa pulisya, bangungot ang naging sanhi ng kamatayan nito.

Pero giit sa CHR ng ama ni Dagalangit, may mga marka ng pagpapahirap sa katawan ng kaniyang anak.



Ikinatuwa naman ng CHR ang aksyon ni Maguindanao Police Director Col. Roel Sermese na mabilis na sinibak sa puwesto ang hepe at mga opisyal ng Barira Police Station habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Facebook Comments