Pinatutunayan ng mga tauhan ng City Mobile Force Company (CMFC) ng Dagupan City Police Office na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang nasusukat sa pagpapatupad ng batas kundi maging sa pagpapakita ng malasakit at pagmamalasakit sa kapakanan ng mamamayan.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang simpleng ngunit makabuluhang gawaing makatao, patuloy na ipinakikita ng mga pulis ang kanilang dedikasyon sa pagtulong sa mga nangangailangan, pagbibigay-suporta sa mga dumaraan sa pagsubok, at agarang pag-abot ng tulong sa tuwing kinakailangan.
Ayon sa ibinahagi ng Dagupan City Police Office sa kanilang post, ang mga gawaing ito ay sumasalamin sa mga pangunahing pagpapahalaga ng kanilang hanay tulad ng integridad, malasakit, propesyonalismo, at buong pusong paglilingkod sa publiko.
Binigyang-diin din ng pulisya na ang ganitong uri ng serbisyo ay nakatutulong sa pagpapatibay ng tiwala at paggalang ng komunidad sa kapulisan, gayundin sa pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng mga pulis at mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











