Isinagawa ang Larvicidal Treatment at Misting operations sa barangay Malabago sa bayan ng Calasiao noong September 25, 2026.
Ginawa ang nasabing hakbang sa mga bahagi ng barangay na may stagnant water at mga lugar na may naitalang kaso ng dengue sa pangunguna ni Barangay Captain Angelo Troy Conte katuwang ang mga kawani ng barangay Malabago.
Hakbang ang naging operasyon upang mapanatali ang ligtas na lugar at malayo sa sakit ang mga residente.
Samantala, nagbigay naman ng pasasalamat ang Barangay Malabago sa mga Criminology student mula sa isang unibersidad sa Calasiao sa isinagawang Clean-Up Drive Activity sa kanilang barangay.
Naging tulong ang inisyatibong ito upang mapaigting ang kalinisan at kaaayusan sa barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments





