ISLAND BARANGAY SA BOLINAO, NAKINABANG SA FOOD PACKS MULA SA MGA AWTORIDAD

Nakatanggap ng food packs, laruan at tsinelas ang mga residente ng Silaki Island sa isang community outreach activity ng mga awtoridad.

Katuwang sa aktibidad ang Bolinao Municipal Police Station, isang riders group, mga miyembro ng Advisory Councils, at mga personnel ng PNP Pangasinan 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) at Pangasinan Police Provincial Office.

Ibinigay ang mga food packs sa mga residente, habang ang mga laruan at tsinelas ay inilaan para sa mga batang benepisyaryo.

Isinagawa ang aktibidad sa Silaki Island, isa sa mga island barangay ng Bolinao, bilang bahagi ng community outreach activity ng mga pulis at mga katuwang na volunteers. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments