COASTAL WATER SA BOLINAO, POSITIBO SA RED TIDE TOXIN

37
Nagpositibo sa red tide toxins ang mga shellfish meat sample mula sa coastal areas ng Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 1, nakita mula sa mga kinolektang shellfish sa baybayin ng Bolinao na mataas ang lebel ng paralytic shellfish poison na lagpas sa regulatory limit.
Pinayuhan ng BFAR ang publiko na huwag muna kumuha, magbenta at kumain ng anumang uri ng shellfish, alamang o hipon mula sa mga nabanggit na baybayin upang maiwasan ang pagkakalason.

Ang mga isda at iba pang produktong dagat ay ligtas naman kainin pero kailangan itong linisan at lutuing mabuti, ayon sa BFAR Region 1. | ifmnews
Facebook Comments