Thursday, August 27, 2026

Reklamong obstruction of justice kaugnay sa insidente sa Senado noong Mayo, inihain na ng PNP sa DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nila ang reklamong obstruction of justice kaugnay sa insidente sa Senado noong Mayo.

Ayon kay DOJ Undersecretary Ian Norman Dato, August 11 nang inihain ang reklamo ng Philippine National Police (PNP).

Tumanggi munang magbigay ng ibang detalye ang opisyal kabilang kung sino ang mga indibidwal na kasama sa sinampahan ng reklamo.

Noong nakaraang buwan nang sabihin ng Justice Department na nagpapatuloy pa ang case build-up sa reklamong obstruction of justice na inihain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Sen. Robin Padilla.

May kaugnayan ito sa umano’y pagtulong ng senador para makapuslit palabas ng Senado si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na may kasalukuyang arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).

Facebook Comments