Wednesday, August 26, 2026

Senior officer ng BFP na tinuturong kasabwat ng BFP personnel na nahuli dahil sa slot-for-sale scheme, iniimbestigahan na rin —CIDG

Kasama sa nagpapatuloy na case build-up ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang senior officer ng Bureau of Fire Protection (BFP) na tinuturong sangkot sa slot-for-sale scheme .

Ayon kay CIDG Regional Field Unit 3 Col. Grant Gollod, binanggit ng naarestong babaeng BFP personnel ang pangalan ng isang senior officer kung kayat kasama rin ito sa kanilang iimbestigahan .

Sakaling mapatunayang kasabwat ay makakasama rin ito sa makakasuhan ng Robbery Extortion in relation to Cybercrime Prevention Act.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang modus ng nasabing suspek ay iniisa-isa nitong kinokontak ang mga aplikante ng BFP gamit ang dummy account nito sa messenger at kapag may sumagot sa kanya, dito na magsisimula ang transaksyon.

Ibinunyag ng suspek sa mga otoridad na nakakuha sya ng tig-P100,000 sa apat na nauna nitong naging biktima.

Habang sa panglimang biktima naman ay humingi ito ng P500,000 ngunit napababa ito ng P300,000.

Dito na isinagawa ng CIDG ang entrapment operation sa Pampanga na nauwi sa pagkakaaresto sa suspek nitong August 24.

Facebook Comments