Nagtungo ang Office of the City Mayor (OCM) at Office for Strategy Management (OSM) sa Barangay Cabarsican kung saan direktang binili ang mga sariwang gulay mula sa mga lokal na magsasaka sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan, at iba pang mga kakabsat na magsasaka.
Ang mga nakuhang gulay ay ipapamahagi Ngayong araw, Abril 27, 2026, alas-8:00 ng umaga sa harap ng City Hall, bilang tulong sa mga mamamayan na nangangailangan.
Kasabay nito, nagsagawa rin ng maikling pulong at talakayan ang pamahalaang lungsod at mga magsasaka ukol sa kasalukuyang kalagayan ng sektor ng agrikultura. Nagpalitan ng mga ideya at suhestiyon ang mga magsasaka kasama si Manong Dongat iba pang kawani ng OCM at OSM upang mas mapalakas at mapalawig pa ang mga programang para sa agrikultura sa lungsod.
Layunin ng inisyatibong ito na matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng direktang pagbili ng kanilang ani, gayundin upang muling mapunan ang suplay ng community pantry ng pamahalaang lungsod.








