
Nagpahayag ng kahandaan ang defense team sa pagtalakay sa unang articles of impeachment ni Vice President Sara Duterte sa mga susunod na linggo.
Ayon kay Defense Counsel Atty. Michael Poa, sa lahat naman ng articles of impeachment ay handa ang defense team.
Aniya, pagdating sa posisyon ng depensa ay hindi maiiwasan na may mag-a-anchor kada araw at lahat naman umano ng counsel ay naka kondisyon para dito.
Samantala, nang tanungin naman kung posible bang mapatawag si Atty. Zuleika Lopez, sinabi ni Poa na wala pang napag-uusapan ang defense team ukol dito lalo na at matagal pa naman ang pagsalang.
Nabatid na uunahin munang ipresenta ang lahat ng articles of impeachment ng prosekyusyon bago ang defense team.
Facebook Comments










