Naghatid ng Supplementary Feeding Program sa bayan ng Mabini ang Hundred Islands SLP Consumers Cooperative bilang bahagi ng mga serbisyong isinasagawa nito sa mga karatig-bayan sa Unang Distrito ng Pangasinan.
Umabot sa mahigit 600 Child Development Learners mula sa 18 Child Development Centers ang saklaw ng ika-16 na cycle ng programa.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Alaminos at City Social Welfare and Development Office (CSWDO), na katuwang sa mga gawain para sa mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ang aktibidad sa Mabini ay bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng mga grupo at tanggapan ng Alaminos sa pagbibigay ng serbisyo sa mga benepisyaryo ng SLP sa mga kalapit na bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










