CAMPUS CARAVAN ISINAGAWA SA PSU ALAMINOS CAMPUS

Isinagawa ang isang Campus Caravan sa Pangasinan State University (PSU) – Alaminos Campus bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang kaalaman ng mga estudyante sa personal na kaligtasan at seguridad.

Kabilang sa mga tampok ng programa ang orientation at demonstration ng mga police personnel hinggil sa basic self-defense at disarming techniques.

Layunin nitong mabigyan ang mga estudyante ng praktikal na kaalaman tungkol sa personal na kaligtasan, situational awareness, at tamang pagtugon sa mga posibleng banta o emergency.

Binigyang-diin din sa mga estudyante ang kahalagahan ng pagiging alerto, paghingi ng tulong sa mga awtoridad kung kinakailangan, at pag-iwas sa hindi kailangang komprontasyon upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.

Ayon sa Alaminos City Police Station, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya at patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad upang maisulong ang isang ligtas, maayos, at suportadong kapaligiran para sa mga estudyante at buong akademikong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments