Voter registration sa July 4 hanggang July 23, tuloy ayon sa COMELEC

202

Kasado na ang gagawin ng Commission on Elections (COMELEC) na voter registration simula sa July 4 hanggang July 23.

Ito ay bilang paghahanda sa idaraos na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa December 5,2022.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco, pagkatapos ng voter registration, isusunod naman ng COMELEC sa July 24 hanggang August 6 ang pag-post at pag-publish ng pangalan ng voter registration applicants.


Gayundin ang pagtatakda at pagdadaos ng Election Registration Board hearings, database verification at ang pag-apruba at clustering ng voting precincts.

Sa nakalipas na May 9 national at local elections, 67.5 million ang kabuuang registered.

Facebook Comments