Monday, August 10, 2026

₱4.2-M halaga ng pekeng magic sarap, nakumpiska sa Cebu City

COURTESY: CIDG

Nakumpiska ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at ng mga representante ng Nestle Philippines ang mga umano’y counterfeit na “magic sarap” sa isang warehouse sa Barangay Sto. Nino, Cebu City.

Naaresto sa nasabing operasyon si alyas “Jin”, 42 taong gulang, at isang negosyanteng Chinese National.

Narekober sa nasabing warehouse ang mga kahon-kahong food seasoning na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱4.2 million.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Facebook Comments