COMELEC, tumatanggap na rin ng correction of entries sa record ng mga botante

Tumatanggap ang Commission on Elections (COMELEC) ng change o correction of entries sa mga voter registration record.

Kabilang dito ang mga maling spelling ng pangalan o address at sa mga ikinasal na gustong magpalit ng apelyido.

Maaari ding magparehistro ang mga natanggal na sa listahan matapos hindi makaboto ng dalawang beses sa nakaraang eleksyon.


Maging ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) na nais na magpalipat na rin ng rehistro ay maaaring gawin ito.

Ayon sa COMELEC, sa oras aniya magsara na ang voters registration, magiging abala na rin ang kanilang hanay sa iba’t ibang aktibidad tulad ng paglilinis ng listahan ng mga botante.

Facebook Comments