COMELEC, nagbabala sa mga nag-aakusa sa kanilang integridad para sa darating na halalan

144

Nagbabala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nag-aakusa at kumikwestiyon sa kanilang integridad para sa darating na halalan.

Ayon kay COMELEC Commissioner Rey Bulay, hihingi ng tulong ang komisyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para arestuhin ang mga taong nagdudulot ng election disorders.

Dagdag ni Bulay, hindi sila magdadalawang-isip na ipahuli ang sinumang magsasabi na may kinakampihan o mandadaya ang COMELEC sa Eleksyon 2022


Samantala, nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisiguraduhin niyang maayos ang magiging takbo ng halalan sa kanyang termino.

Facebook Comments