
Tumangging maghain ng plea sa Sandiganbayan 5th Division si Senator Jinggoy Estrada para sa mga kasong Plunder at Graft, na may kaugnayan sa maanomalyang flood control project, ngayong Huwebes ng umaga, Sept. 3.
Ayon kay Atty. Laurence Arroyo, abogado ni Estrada, desisyon ng senador na huwag magpasok ng plea dahil hindi umano sang-ayon ang senador sa amended information ng mga kaso.
Dahil dito, ang korte na ang nagpasok ng “not guilty” plea para sa senador.
Samantala, mag-iisyu naman ng resolusyon ang korte kaugnay ng hiling na “release order” ng kampo ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, matapos itong matanggal bilang kapuwa-akusado sa nasabing mga kaso.
Ayon kay Senator Estrada, titingnan nila ang lahat ng posibleng gawin, alinsunod sa batas, kaugnay ng pagkakatanggal kay Bonoan bilang kapuwa-akusado sa mga kaso.
Sinabi rin ng senador na okay ang kanyang tuhod, at nakadepende rin umano sa senador kung magpapa-surgery ito o hindi.










