Pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, posibleng magpatuloy hanggang sa katapusan ng buwan —DOE

Nagbabala ang Department Of Energy (DOE) sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa panayam ng DZXL News, sinabi ni DOE – Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na ramdam na kasi ngayon ang epekto ng tensyon sa pagitan ng Iran at Israel.

Ayon kay Abad, posibleng ang pagtaas ng presyo ng petrolyo hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa kabila nito, umaasa ang ahensya na magiging minimal lang ang epekto nito sa bansa dahil hindi naman direktang kumukuha ng supply ng langis ang Pilipinas sa Iran.

Paliwanag ni Abad, mayroon pang ibang mga bansa na pinagkukunan ng petrolyo ang bansa kaya may sapat na supply ang mga kompanya ng langis.

Facebook Comments