COMELEC, umapela sa PNP na tutukan ang mga insidente nang pag-atake sa kanilang mga tauhan

Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa Philippine National Police (PNP) na huwag maisantabi ang mga insidente nang pag-atake sa mga tauhan ng komisyon.

Tinukoy ni COMELEC Chairman George Garcia ang kaso ni Aknam Hasim, Election Officer ng Maluso, Basilan na bulag na ang isang matapos makaligtas sa pananambang noong 2021.

Gayundin ang kasong pagpatay kay Albarka, Basilan EO Ruayna Sayyadi na nasa labas ng opisina nito habang may mga nagpapatala nang pagbabarilin at mapatay.


Hiling ni Garcia na maresolba ang dalawang pag-atake sa mga opisyal ng COMELEC at maaresto ang mga responsable.

Nabatid na nagtungo si Garcia sa ilan bahagi ng Mindanao nitong weekend para bisitahin at alamin ang sitwasyon ng kanilang hanay roon.

Facebook Comments