COMMUNITY COLLEGE, POSIBLENG ITATAG SA SAN NICOLAS AT TAYUG

Maaaring mas mailapit ang access sa higher education sa mga residente ng San Nicolas at Tayug dahil sa pag-aral ng pagtatatag ng community colleges.

Ito ay kasunod ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) noong September 15, 2026 sa Urdaneta City University (UCU), na pinapatatag ang educational initiatives ng mga panig.

Matatandaang noong July 17, 2026, ay nagsagawa ng benchmarking visit sa UCU ang dalawang munisipalidad.

Kabilang sa mga sinuri ang mga posibleng diploma program, TESDA qualifications at degree pathways pati ang mga academic at legal requirements bago makapagtatag ng institusyon.

Sa ngayon, wala pang pinal na pagtatatag ng community college sa alinmang bayan at ang naturang partnership sa UCU ay nagsisilbing unang hakbang pa lamang ng San Nicolas at Tayug sa pag-aaral ng pagpapalawak ng access sa higher education. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments