487-METRONG KALSADA SA BARANGAY PALUA, MANGALDAN, NAKUMPLETO NA

Nakumpleto na ang 487-metrong road concreting project sa Barangay Palua, Mangaldan, Pangasinan na inaasahang magpapadali sa pagbiyahe ng mga residente at magsasaka sa lugar.

May pondong humigit-kumulang ₱5 milyon ang proyekto na sinimulan noong Disyembre 2025 at natapos noong Pebrero 2026, ayon kay Engr. Noel Mejia ng Municipal Engineering Office.

Tinatayang 200 residente at mahigit 40 magsasaka naman ang direktang makikinabang sa bagong sementadong kalsada, ayon kay Punong Barangay Pelita V. Villanueva.

Malaking tulong umano ang proyekto sa mga magsasakang gumagamit ng naturang daanan sa pagdadala ng kanilang mga produkto.

Inaasahan ding magiging mas mabilis at mas ligtas ang pagbiyahe ng mga residente, lalo na tuwing tag-ulan, kumpara sa dating kondisyon ng kalsada.

Isinagawa ang proyekto sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Mangaldan bilang bahagi ng mga hakbang sa pagpapabuti ng imprastraktura at transportasyon sa mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments