Community service para sa mga lalabag sa NCAP, dapat gawing mandatory ayon sa ilang motorista

Pabor ang ilang motorista sa plano ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na pagpapataw ng community service sa mga lalabag sa No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ito ay bilang option sa multang ipapataw sa mga violator ng naturang batas trapiko.

Sa panayam ng DZXL News kina Gayson Palarca at Mike Nantes, pabor sila sa community service pero dapat ay gawin itong mandatory.

Anila, kayang-kaya kasi ng mga mayayaman na magmulta kahit ilang beses pa silang lumabag.

Maganda anilang maglinis din ng estero o magwalis sa mga lansangan ang mga mayayaman para sila ay matuto.

Facebook Comments