Congresswoman Marissa Magsino, emosyonal na umapela kay Pangulong Marcos na bigyan ng tunay na hustisya si Jullebee Ranara

Emosyonal na hiniling ni OFW Party-list Rep. Marissa Magsino kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na bigyan ng “tunay na hustisya” si Jullebee Ranara, ang domestic helper sa Kuwait na brutal na pinatay kamakailan.

Sa kanyang privilege speech, napaiyak si Magsino sa paglalahad ng kalunus lunos na sinapit ni Ranara na gusto lamang magtrabaho para sa kanyang mga mahal sa buhay pero sya ay ginahasa, nabuntis, sinagasaan at sinunog ng anak ng kanyang employer.

Dagdag pa ni Magsino, bukod kay Ranara ay nahaharap din sa matinding mga problema ang iba pang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) gaya ng pagka-stranded, pagmamaltrato at pag-abuso sa kanila, at ang pakikipagsiksikan nila sa mga shelter at iba pa.


Facebook Comments